|
[baguhin] Kasalukuyang Napiling Larawan
Ang mga ibon ay grupo ng mga vertebratang hayop. Maiinit ang kanilang dugo kaya't kumukunsumo ng maraming enerhiya. Nababalutan sila ng balahibo, may pakpak, may kaliskis sa paa, at may tuka ngunit walang ngipin. Kabilang sa may 9,000 uri nito ang Sitta europaea. Kuha ni: Paweł Kuźniar
[baguhin] Nagdaang larawan
Ang tubig ay isang sustansyang walang lasa, walang amoy, at walang kulay kung nasa dalisay niyang anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang buhay. Sagana ang daigdig sa tubig na matatagpuan sa lahat ng lugar, tulad ng dumadaloy mula sa isang gripo sa Switzerland. Kuha ni: Juhanson
[baguhin] Iba pang mga nagdaang napiling larawan
Ang bonsai ay isang sining ng pagpapatubo at pag-aalaga ng mga puno at halaman na pinananatiling maliit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pangangalaga ng isang puno sa isang maliit na paso at pagpuputol ng mga sanga at ugat nito. Tinuturuan ang mga punong bonsai na lumaki sa hugis na kaakit-akit sa paningin. Kuha ni: Peggy Greb ng USDA
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Tubig tabang ang karamihan sa mga lawa sa daigdig, at matatagpuan as Hilagang Hemispero. Tinatawag na mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa. Nasa timog-silangang Kazakhstan ang Lawang Kaindy. Kuha ni: Jonas Satkauskas
Mga budista ang tawag sa mga naniniwala sa Budhismo. Sinusunod nila ang mga pagtuturo ni Gautama Buddha. Ipinakikita sa larawang ito ang mga istatwa ng mga budistang nagbibigay papuri kay Buddha, sa Hong Kong. Kuha ni: AngMoKio / pinainam ni Olegivvit
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Kuha ni: Derek Ramsey
Ang mga isda ay mga vertebratang mula sa Kahariang Animalia at nabubuhay sa tubig. Ngunit tulad ng tao, kailangan nila ng sapat na oksiheno para mabuhay. Isang halimbawa nito ang Synchiropus splendidus.
Kuha ni: Luc Viatour
Ang mga mata ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Walang ginagawa ang mga pinakapayak na mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
Kuha ni: Che
Ang dikya ay isang uri ng hayop sa dagat na nakasasanhi ng pangangati kapag nadikit sa balat ng tao. Mala-gulaman ang katawan ng may galamay na hayop pantubig na ito. Binabaybay din itong dikiya, at kilala bilang jellyfish sa Ingles.
Kuha ni: Hans Hillewaert
Ang mekaniko ay isang taong may kaalaman at kakayahang sumuri ng mga sasakyang panlupa, pandagat o panghimpapawid. Sa Pilipinas, karaniwang pinapatungkulan nito ang mga may kakayahang magkumpuni sa mga kotse, bus at mga trak.
Kuha ni: Lewis Hine; ambag ni: Solipsist
|
Napiling larawan
|
 |
Ang langaw at bangaw ay mga insektong may isang pares ng pakpak sa mesothorax at isang pares ng halteres. Sila ay kumakain ng mga dumi; dahil dito, ang kulisap na ito ay naging kilalang nagpapakalat ng sakit katulad ng malaria, dengue, West Nile virus, yellow fever at encephalitis. Ang langaw ay isa ring simbolo ng kamatayan sa Bibliya at sa mga mitong Griyego. Nakatutulong ang ibang uri ng mga langaw sa polinasyon ng mga bulaklak. kuha ni Richard Bartz
|
|
Napiling larawan
|
 |
Ang Toreng Petronas o Kambal na Toreng Petronas, na nasa lungsod ng Kuala Lumpur, Malaysia, ay minsan naging pinakamataas na gusali sa buong mundo kung susukatin ang haba nito mula sa pasukan nito hanggang sa pinakatuktok nito.
Ang Toreng Petronas ay ang pinakamataas na kambal na tore sa daigdig, at sinasabi nila na sila ang pinakamataas na gusali ng ika-20 dantaon. kuha ni Formulax
|
|
Napiling larawan
|
 |
Ang Marte (o Mars) ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw. Kuha ng: NASA
|
|
Napiling larawan
|
 |
Ang Tāj Mahal ang pangalan ng isang bantayog na matatagpuan sa Āgrā, Indya. Ipinatayo ito ng emperador na Mughal na si Shah Jahan, anak ni Jahangir, bilang mausoleum para sa kaniyang Persian na asawang si Arjumand Banu Begum, kilala rin bilang Mumtaz-ul-Zamani o Mumtaz Mahal. Nagtagal ang 23 taon ang paggawa nito (mula 1630 hanggang 1653) at tinuturing ito bilang obra maestra ng arkitekturang Mughal. Kuha ni: Sandeep Dhirad
|
|
Napiling larawan
|
 |
Ang apoy, isang uri ng kombustyon, ay isang reaksyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga kimikal kung saan handang magkaroon ng reaksyon ang mga molekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Kuha ni:Fir0002
|
Ang Hundred Islands National Park ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.
Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing mataas na paglaki ng tubig.
Kuha ni: Emir214
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник".
Nagulat ang Estados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga satellite, kasama ang Explorer I, Proyektong SCORE, Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng NASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.
mula sa NASA
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang abestrus, mas kilala sa tawag na ostrich, ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.
Kuha ni: Emir214
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang Paliparang Pandaigdig ng Zamboanga ay ang nag-iisang paliparan naglilingkod at matatagpuan sa lungsod ng Zamboanga, Pilipinas. Ito ay ang ikalawang pinakamay-gawang paliparan sa Mindanao, pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa lungsod ng Davao, at ay isang portada sa isang lumalaking sentro ng kalakalan sa timog-silangang Asya at sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao.
Nagsimula ang paliparang bilang Palapagang Moret na isinagawa ng mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng 60 taon, lumawak ang paliparan sa kasalukuyang kalagayan nito. Nililingkod ang paliparan ng limang kompanyang himpapawid na naglalaan ng serbisyo patungong mga paroroonan sa Pilipinas at sa Malaysia.
Kuha ni: SunKing
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.
Kuha ni: Estudyante
Mga nagdaang napiling larawan...
Si Papa Juan Pablo II (Latin: Joannes Paulus PP. II), ipinanganak Karol Józef Wojtyła (pinakamalapit na bigkas, /KA-rol YU-zef voy-TI-wa/; Mayo 18, 1920–Abril 2, 2005) ang papa mula Oktubre 16, 1978 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang ika-264 na Papa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, ang kauna-unang di-Italyanong Papa sa nakaraang 455 taon, at ang pinakaunang na nagmula sa Poland.
Kuha ni: Radomil
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang Buwan ang tanging likas na satelayt ng Daigdig. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong Luna (Latin ng buwan) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "buwan".
Kuha ni: User:Lviatour
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang kari-kare o kari-kari o kare-kare ay isang lutuing Pilipino na may katas ng mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka.
Kuha ni: GracinhaMarco Abundo
Mga nagdaang napiling larawan...
Ang isang karpintero, alwagi, anluagi o anluwagi ay isang bihasang artesano na nagkakarpintero - isang malawak na sakop sa paggawa sa kahoy na kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga gusali, kasangkapan, at ibang pang bagay na yari sa kahoy. Kinasasangkutan ang trabahong ito ng paggawang manwal at pagtrabaho sa labas, partikular na ang magaspang na pagkakarpintero.
Kuha ni: Alfred T. Palmer
Mga nagdaang napiling larawan...
|