Mga kagamitanSa ibang wika
|
Republikang Popular ng Tsina
Ang Republikang Popular ng Tsina (Intsik: 中华人民共和国, Zhōnghuá Rénmín Gònghéguó; internasyonal: People’s Republic of China; Republica Popular de China) ay isang bansang matatagpuan sa silangang Asya, ang ika-apat na pinakamalaking bansa sa buong mundo sa lawak ng teritoryo. Ang 14 na mga karatig-bansa ng Tsina ay ang: Afghanistan, Bhutan, Myanmar, Indya, Kazakstan, Kyryzstan, Laos, Mongolia, Nepal, Hilagang Korea, Pakistan, Rusya, Tajikistan at Vietnam. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Beijing (Peking), Shanghai, at Hong Kong.
[baguhin] Kasaysayan ng bansang China16 - 18 siglo ng magtatatag ng pakikitungo sa mga may kapangyarihan na mamamayang Intsik ang mga Europe. Nakarating si Rafael Parestrello sa Canton noong 1516 at bumalik ng sumunod na taon kasama si Tome Pires ang sugong Portugese sa China. 1557, pinayagan ang mga Portugese na gamitin ang Macau para maging daungan. 1575 ng Dumating sina Padre Martin de Rada at Padre Geronimo Mavin mula sa Manila bilang sugo ni Gobernador - Heneral Guido Levezarez ng Pilipinas. At hindi sila pinayagang mangaral ng Katolisismo doon. 1601 ng pinahintulutan si Padre Mateo Ricci na magtagal sa Peking (ngayon ay Beijing) dahil sa kanyang siyentipikong kaalaman. Sinundan ni Padre Ferdinand Verbiest isang Belgian na naatas ang direktor ng Imperial ng Kawanihang Astronomiya. 1635 ng dumating ang mga Ingles sa Canton. At 1698 naman dumating ang mga Prances sa Canton. Marami ang mga dumating sa Canton : 1731 - mga Danes. 1732 - mga Swedes. 1753 - mga Ruso. 1784 mga Amerikano. Noong 1840 hanggang 1842 nangyari ang digmaang Opyum o Opyum War. Isinuko ng China ang Hong Kong sa mga Britain, nagbukas ng higit pang mga daungan, nagbayad ng indemnisasyon ng $ 121 M. 1850 na wasakin ni Hung Hsiu Chuan ang mga templo sa Kwansi. 1853 ng bihagin ni Hung Hsiu Chuan ang Nanking at ipiniroklama ang sarili bilang emperador at pinangalanan ang kanyang dinastiya na Taiping (pandaigdig na kapayapaan). 1853 hanggang 1863 ng himagsikan ni Nieu ang North China. 1856 hanggang 1860 nangyari ang Second Opyum War. Higit na pinairal ang karapatan ng mga dayuhan sa kalakalan at sa pangangaral ng Kristiyanismo sa China, at isinuko rin ang tangway ng Kow Loon. 1858 hanggang 1873 ; 15 taong gulo ng mga Muslim na Intsik sa Yunan. 1860 naman ng bigyan ang [[Russia] ng Silanganing Siberia at nagyo'y siyudad ng Vladivotok. Hulyo 19, 1864 ng bumagsak ang nanking ang kabisera ng Taiping na itinatag ni hung. 1866 nang ipinanganak si Sun Yat Sen. [baguhin] Pagkakahating Pulitikal
Ang Republika Popular ng Tsina ay may kapangyarihang administratibo sa lahat ng dalawangput dalawang mga lalawigan (省) at kinokonsidera ang Taiwan bilang ang kanyang ika-dalawangput tatlong lalawigan.[1] Maliban sa mga lalawigan, may limang mga nagsasariling mga rehiyon ng Tsina (自治区), na ang bawat isa ay may nakatalagang mga pangkat na minoridad; apat na bayan (直辖市); at dalawang Espesyal na rehiyong administratibo (特别行政区}. ang dalawangput dalawang lalawigan, limang mga nagsasariling mga rehiyon at apat na bayan ay maaaring sabihin bilang "Mainland China", isang termino na kadalasang hindi kasama ang Hong Kong At Macau. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng pagkakahating administratibo ng lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Republikang Popular ng Tsina. [baguhin] Mga Lalawigan (省
[baguhin] Inaangking Lalawigan[baguhin] Mga Rehiyong Nagsasarili(自治区)
[baguhin] Mga Munisipalidad (直辖市)[baguhin] Espesyal na Rehiyong Administratibo (特别行政区)[baguhin] Relihiyon
Karamihan sa mga Tsino - 59% ng populasyon, o tinatayang nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay walang relihiyon.[3]Subalit, ang mga ritwal at relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang tradisyon ng Confucianismo at Taoismo - ay may malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan. Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay sumusunod sa magkahalong paniniwala na kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na "Tradisyunal na Paniniwala" o bilang "Iba". [baguhin] Pulitika[baguhin] Patakarang pampopulasyon
Noong Marso 11, 2008, ipinahayag ng Republikang Popular ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang "isang-anak lamang" para sa bawat mag-asawa sa loob ng isa pang dekada. Dahil ito sa pagpakabalisa ng Komisyon ng Populasyong Pang-estado at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sapagkat ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan at sa ekonomiya ng bansa.[4] [baguhin] Talasanggunian
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||