|
|
Pokémon
Ang official logo ng Pokemon.
Ang Pokemon (Hapon:ポケットモンスター) ay isang serye ng mga anime,elektronikong laro,at iba pa. Ito ay sinumulan ni Satoshi Tajiri noong 1996 na naisip niya dahil isa siyang insect collector ng bata pa siya. Ang Pokemon ay isang shortcut para sa Pocket monsters.
[baguhin] Ang mga salinlahi na ginawa ng Nintendo
-
- Pangunahing Artikulo: Talaan ng mga larong Pokémon
[baguhin] Unang salinhali (Color Generation)
Ang mga pangalan ng balang para sa Gameboy sa salinhaling ito ay ang Pokémon Red, Blue at Yellow. Ang Pokémon Yellow ay hango sa istorya ng Pokémon animé. Ang mga Pokémon sa Pokémon Red, Blue (Green sa bansang Hapon) at Yellow ay mula kay Bulbasaur hanggang kay Mew. Ang mga Pokémon dito ay umaabot sa 151. Si Mew ang unang rare Pokémon na hindi mahuhuli kung walang glitch na ginamit. Si Mew ay maaari nang makuha sa pangatlong salinhali sa pamamagitan ng Old Sea Chart.
- Pokemon Red & Blue(EUA),Red,Green & Blue (Hapon)
- Pokemon Yellow
- Stadium
Ang screenshot ng Pokemon Gold.
[baguhin] Pangalawang salinhali (Metallic Generation)
Ang mga pangalan ng balang para sa Game Boy Color sa salinlahing ito ay ang Gold, Silver at Crystal. Dito nadagdagan ang Pokémon mula kay Chikorita hanggang kay Celebi. Nadagdagan ng 100 na Pokémon. Sa salinhaling ito ay mayroon nang 251 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang pagpilian kung ang karakter mo ay lalake o babae.
- Pokemon Gold & Silver
- Pokemon Crystal
- Stadium 2
[baguhin] Pangatlong salinhali (Advance Generation)
Ang mga pangalan ng balang para sa Game Boy Advance sa salinlahing ito ay ang Ruby, Sapphire, Fire Red, Leaf Green at Emerald. Dito dumagdag ang Pokémon mula kay Treecko papunta kay Deoxys. Nadagdagang muli ng 135 na Pokémon. Sa salinhaling ito mayroong nang 386 na Pokémon. Sa unang pagkakataon ay pwede nang makipagpalit ng Pokémon sa ibang naglalaro gamit ang wireless adapter.
Ang screenshot ng Pokemon FireRed at LeafGreen.
- Pokemon Ruby & Sapphire
- Pokemon Fire Red & Leaf Green
- Pokemon Emerald
- Box(hango sa Pokemon storage system sa laro; hindi ito talagang laro)
- XD
- Colloseum
Ang screenshot ng Pokedex ng Pokemon Emerald.
[baguhin] Pang-apat na salinhali
Ang mga laro ay nasa Nintendo DS, at dito, mas maganda ang paglaro rito, dahil sa mga makabagong teknolohiyang ginamit upang malikha ito. Ang mga Pokémon dito ngayon ay mula kay "Turtwig" hanggang kay "Arceus". 493 na Pokémon na ang mayroon ngayon. Ang mga laro sa salinhali na ito ay:
- Pokemon Diamond & Pearl
- Battle Revolution (na maaaring ilaro sa Nintendo WII lamang)
- Pokemon Platinum
[baguhin] Pagtrato sa Hayop
- Maraming mga environmentalist ang hindi nagustuhan ang paglaro ng Pokémon, ang paghuli at pakikipaglaban ng mga hayop (Pokemon) ay parang karera ang patayan ng kabayo.
- Sa Saudi Arabia, ipinagbabawal mabanggit o laruin ang kahit anong produkto ng Pokémon franchise dahil ito raw ay nag-propromote ng Zionism.
- Nagkaisyu ito sa simbahang katoliko dahil ang mga ibang elemento dito ay may pagka sataniko raw.
Ang anime nito ay nagsimula noong Abril 1997,na nagdiwang ng ika-sampung anibersaryo ngayong 2007. Sa kasalukuyan, sina Ash at Brock kasama ang panibagong Pokemon Trainer na si Dawn ,na mula sa Twinleaf Town, ay naglalakbay na papunta sa Sinnoh Pokemon League (Pokemon: Diamond And Pearl).
[baguhin] Mga Pangunahing Tauhan
Pangkasalukuyan
| Name |
Description |
| Ash Ketchum (Satoshi) |
Si Ash ay isang 10 (naging 11 sa Advanced Generation at sinasabing 13 sa Pokemon: Diamond and Pearl Series) taong gulang na bata na may balak upang maging Pokémon master. Nagsimula siya kay Pikachu kung saan binigay ni Professor Oak ng Pallet Town upang mapagsimulan ang kanyang lakbay upang maging Pokemon Master. Ang kaniang apelyido ay kahalintulad ng kasabihan sa pokemon na catch 'em. Ang mga rank ni Ash:
• Indigo League - Top 16
• Orange League - Champion
• Whirl Cup - Top 16
• Johto League Silver Conference - Top 8
• Hoenn League Championship - Top 8
• Battle Frontier - Champion
|
| Pikachu |
Ang Pikachu ay ang unang Pokémon ni Ash at ang kaniang kaibigan. Sila na ay nakapag-lakbay sa Kanto, Johto, Hoenn at Sinnoh. |
| Dawn (Hikari) |
Ang kasama ni Ash Ketchum at Brock sa Sinnoh. Siya ay naging kapalit ni May at ni Misty. Siya rin ay isang malalarong karakter sa Pokemon: Diamond at Pearl. Nasira rin ni Pikachu ang kaniang bisikleta katulad sa nangyari nina May at Misty. |
| Brock (Takeshi) |
Si Brock ay lider ng Pewter Gym. Siya ay laging nababaliw sa mga babae,lalo na sa mga kagaya ni Nurse Joy at Officer Jenny,kadalasan ay napuputol ang kanilang uspan at hinihila palayo ni Misti o si Max.. Siya ay may mga Rock Type Pokemon at siya ay nangangarap na maging sikat na Pokemon Breeder. Ang kaniang Croagunk ay laging siyang hinihila kapag siya ay nababaliw sa mga babae katulad ng mga ginagawa noon nila Misty at Max. |
[baguhin] Mga Dating Pangunahing Tauhan
- May at Max
- Si May ay isang baguhang trainer na nasabi nya na hindi nya talaga gusto ang mga Pokemon. Naglaon ay nagpasya nalang siyang maging Coordinator(sumsali sa mga pokemon contest). Si Max ang nakababatang kapatid ni May. Napapansin ay mas matalino siya kaysa kay May.
Ang Pokemon professor sa Pallet Town at lolo ni Gary. Siya ang nagbigay ng Pikachu kay Ash.
- Misty
- Si Misty ang pinuno ng Cerulean gym. Ang dahilan kaya siya sumama kay ash ay dahil nasira ni Ash ang bisikleta ni Misty. Iniwan niya ang Cerulean gym upang maging Water Pokemon Researcher. Siya ay unang nakita sa episode na "Pokemon, I choose you." at sumama na kay Ash pagkatapos noon. Bago matapos ang "Pokemon MasterQuest" ay umalis na si Misty dahil siya na ang panibagong gym leader ng Cerulean City, pagkatapos umalis nang kanyang tatlong kapatid para sa isang "World Trip".
- Tracy
- Siya ay naging kasama ni Ash sa Orange Islands story arc. Siya ay may mga Marill at Venonat na Pokemon at siya ay nangangarap na maging sikat na Pokemon Artist.
- Gary
- Si Gary ang karibal ni Ash noong sanggol pa sila. Natanggap niya sa kanyang lolo, si Profesor Oak, ang kanyang unang pokemon na si Squirtle. Sa sumunod na season nag-evolve ang Squirtle ni Gary papunta kay Blastoise. Akala ng iba na si Eevee ang kanyang unang Pokemon, pero Squirtle talaga ang kanyang unang Pokemon. Sinabi ito noong laban nila ni Ash sa Johto League. Kung saan tinalo ng Charizard ni Ash ang Blastoise ni Gary kahit kahinaan ni Charizard ang tubig. Pagkatapos matalo ay sinundan niya ang yapak ng kanyang lolo at umalis upang magsaliksik ng iba pang mga pokemon.
[baguhin] Team Rocket, Aqua, Magma at Galactic
Tignan ang Mga Kontrabida sa Pokemon na artikulo.
Talaan ng mga Pokemon
|
Pokémon |
|
| Mga Pokémon na panoorin |
|
|
| Pelikula |
|
|
| Mga Kontrabida |
|
|
| Batas ng Pokémon na laro |
|
|
| Pokémon na laro |
|
|
|