Mga kagamitan |
Mga wika sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong mundo. Maliban sa pambansang wika na Filipino at mahigit sa isan-daang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng English, Madarin, Fookien, Cantonese, Kastila o Spanish at Arabo. Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang grupo ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang sakop ng Polynesia. Tinatayang ito ang pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong mundo. Ngunit bagamat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang mga populasyon ng mga taong nagsasalita nito. Sa mga katutubong wika sa Pilipinas, pangunahin ang mga sumusunod:
[baguhin] Pambansang wika ng PilipinasAyon sa Konstitusyon ng Pilipinas: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. [baguhin] Tala ng mga wika sa PilipinasMayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 sa mga ito ang buhay o ginagamit pa at 4 naman ang maituturing nang patay na wika. [baguhin] Mga buhay na wikaAng mga sumusunod ang 175 wika sa Pilipinas:
[baguhin] Mga patay na wika[baguhin] Pinaghalawan[baguhin] Tingnan din |