Mga kagamitanSa ibang wika
|
United Nations
Ang Mga Bansang Nagkakaisa (Ingles: United Nations o UN) ay itinatag noong Oktubre 24, 1945 sa San Francisco, (Estados Unidos), pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang pinakamalaking organisasyong pandaigdig sa mundo na nagsisilbi para sa kapayapaan ng mga bansa.
[baguhin] PinagmulanAng unang yugto ng mga sesyon ng General Assembly ay pinagdiwang noong Enero 10, 1946 sa Central Hall Westminster (London). Ang kanyang aktwal na headquarters ay matatagpuan ngayon sa Lungsod ng New York. Ito ang sumunod sa yapak ng League of Nations, organisasyon na nalikha taong 1919 noon namang Unang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan ng Tratado ng Versalles, para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at makamit ang kapayapaan at seguridad. Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miembro ng United Nations, maliban sa Vatican, na isa lamang tagamasid o observer, at Taiwan (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang organisasyon ay mayroon 191 mga bansang kalahok. Isa sa mga bukod tanging nagawa ng United Nations ang pagproklama sa Deklarasyong Unibersal ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights) noong 1948. Ang Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa ay ang pinakaimportanteng forum para sa diplomasyang multilateral. [baguhin] KasaysayanAng ideya sa likod ng Bansang Nagkakaisa ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo ng Estados Unidos na si Franklin Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations". Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng bagong organisasyon noong Abril 25, 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga pamahalaan, inimbitahan rin ang mga nongovernmental organization. Noong Hulyo 26, nilagdaan ng 50 mga bansang kinatawan ng komperensya ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Ang bansang Poland, na walang kinatawan sa pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 mga Estado. Ang tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng Oktubre 24, 1945, pagkatapos ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga permanenteng miembro ng Konseho ng Seguridad (ang Republika ng Tsina, Pransya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika kasama ang malaking mayoriya ng natitirang 46 na miembro. Sa katunayan, ang natatanging may veto sa mga desisyon ng organisasyon ay itong limang permanenteng myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng Amerika, Federasyon ng Russia, Pransya, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland at ang Republika Popular Tsina. Ang mga tagapagtatag ng mga Bansang Nagkakaisa ay umaasa dito na maiiwasan ang mga bagong giyera sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin natupad sa maraming kaso. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak ng Berlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob ng tinatawag na Cold War ay nagpahirap sa pagkamit sa obhetibong ito, lalo pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto. [baguhin] Mga Wikang OpisyalAng mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na wikang opisyal: Arabo, Espanyol, Ingles, Pranses, Ruso at Tsino. Halos lahat ng mga opisyal na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, Ingles at Espanyol. [baguhin] Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa
Ang mga organ ng mga Bansang Nagkakaisa ang mga sumusunod:
Ang Sistema ng mga Bansang Nagkakaisa ay organisado sa mga sumusunod: [baguhin] Mga Programa at Organo
[baguhin] Iba pang organo ng mga Bansang Nagkakaisa
[baguhin] Mga Surian ng Pagsisiyasat at Kapasitasyon
[baguhin] Mga Komisyong Kumikilos
[baguhin] Mga komisyong pangrehiyon
[baguhin] Mga Organisasyong Nakaugnay
[baguhin] Mga organisasyong espesyal
[baguhin] Kaugnay na pahina
[baguhin] Lingks palabas
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||