|
|
Lebanon
Ang Lebanon o Libano (Arabo: لبنان Loubnân; Pranses: Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na napaparoon sa silangang dulo ng Dagat Mediterraneo.[1] Hinahangganan ito ng Sirya sa silangan at hilaga, at ng Israel sa timog. Nanggaling ang pangalang Lebanon mula sa Semitikong ugat na LVN, nangangahulugang ang mga “puting” tuktok ng Bulubunduking Lebanon.
May ilang mga dantaong naging mahalagang daanan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika ang Lebanon dahil pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong "ang palaruan sa Gitnang Silangan"[2] Subalit, dahil sa pagkakaroon ng digmaang sibil, nahati ang mga mamamayan ng bansang ito.[1]
[baguhin] Mga Kawing Panlabas
|