Sa ibang wika

Indya

भारत गणराज्य
Bhārat Ganarājya
Watawat ng India Sagisag ng India
MottoSatyamēva Jayatē
(Sanskrit: Katotohanan lamang ang nagtatagumpay)
Pambansang awit
Jana gana mana
Lokasyon ng India
Kabisera New Delhi
287 590) 28°34′ H 77°12′ S
Largest city Mumbai
Opisyal na wika Hindi, Inggles, at 21 pang ibang wika
Pamahalaan Republikang federal
 -  Pangulo Pratibha Patil
 -  Punong Ministro Manmohan Singh
Kalayaan mula sa pagiging kolonya ng Britanya 
 -  Ipinahayag Agosto 15, 1947 
 -  Republika Enero 26, 1950 
Lawak
 -  Kabuuan 3 287 590 km² (Ika-7)
1,269,346 sq mi 
 -  Tubig (%) 9.56
Populasyon
 -  taya ng 2005 1 080 264 388 (Ika-2)
 -  sensus ng 2001 1 027 015 247 
 -  Densidad 329 /km² (Ika-31)
852.1 /sq mi
GDP (PPP) 2005 estimate
 -  Total US$3.334 trilyon (Ika-4)
 -  Per capita US$3019 (Ika-120)
Pananalapi Rupi (Rs.)1 (INR)
Sona ng oras IST (UTC+5:30)
 -  Summer (DST) hindi inoobserba (UTC+5:30)
Internet TLD .in
Kodigong pantawag +91
1 Re. ang pang-isahan

Ang Republika ng Indya (internasyonal: Republic of India; binabaybay din na Indya) ay isang bansang matatagpuan sa silangang Asya, ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo sa lawak ng teritoryo.

Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh.

Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras).

Mga nilalaman

[baguhin] Paglalarawan

Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83km/ 5124695.29747mi. Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet.

Tinatayang taong 2500 B.K nang magsimula ang unang sibilisasyon ng India sa Lambak ng Ilog Indus: ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.

Ang mga Harappan ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.

Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang sibilisasyong Mohenjo-Daro at Harappa subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling mahiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Sibilisasyong HIndu. May mga haka-haka ring ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Sibilisasyong Hindu.

[baguhin] Relihiyon

[baguhin] Hinduismo

Pangunahing artikulo: Hinduismo sa Indya

Isinilang ang pananampalatayang Hinduismo sa Indya. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang, gaya ng aso, baboy, o tigre. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos-diyosan ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyus-diyosan, na kung tawagin ay teokratik.

Ang caste system ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

[baguhin] Budhismo

Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Buddhismo, ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Ayaw na ayaw niya sa paniniwala ng mga Hindu sa caste o karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.

Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2)ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

[baguhin] Kontribusyon ng India sa Sibilisasyon

Ang India ay duyan din ng sibilisasyon at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan, relihiyon, at siyensiya. Ilan sa mga kontribusyon ng India ay:

[baguhin] Relihiyon

Ang pinakaunang kontribusyon ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon —— Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation.

[baguhin] Pilosopiya

Ang ikalawang kontribusyon ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Greek at Romans, ang mga pilosoper ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

[baguhin] Panitikan

Ang ikatlong kontribusyon ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig(Bhagavad Gita).

[baguhin] Musika, Sining, at Arkitektura

Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang kontribusyon sa daigdig. Ang klasikal na musikang Indian ay nakaimpluwensya sa kanluraning rock music ng The Beatles at iba pang grupong pop. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.


[baguhin] Mga matataong lungsod

Rango Lungsod Estado Populasyon [1]
1 Delhi Delhi 21,031,488
2 Mumbai (Bombay) Maharashtra 20,426,991
3 Kolkata (Calcutta) West Bengal 14,911,823
4 Chennai (Madras) Tamil Nadu 7,066,778
5 Bangalore Karnataka 6,255,256
6 Hyderabad Andhra Pradesh 6,112,250
7 Ahmedabad Gujarat 5,160,238
8 Pune Maharastra 4,878,283
9 Surat Gujarat 4,039,398
10 Kanpur Uttar Pradesh 3,329,339
11 Jaipur Rajasthan 2,926,915
12 Lucknow Uttar Pradesh 2,845,253
13 Nagpur Maharastra 2,485,915
14 Patna Bihar 2,386,843
15 Indore Madhya Pradesh 1,944,464
16 Meerut Uttar Pradesh 1,723,065
17 Bhopal Madhya Pradesh 1,677,896
18 Vadodara (Baroda) Gujarat 1,641,566
19 Ludhiana Punjab 1,624,767
20 Bhubaneshwar Orissa 1,608,507
21 Coimbatore Tamil Nadu 1,590,568
22 Agra Uttar Pradesh 1,585,555
23 Nashik Maharashtra 1,576,651
24 Kochi (Cochin) Kerala 1,490,882
25 Visakhapatnam Andhra Pradesh 1,462,355
26 Varanasi (Benares) Uttar Pradesh 1,460,731
27 Aurangabad Maharastra 1,414,918
28 Madurai Tamil Nadu 1,314,074
29 Asansol West Bengal 1,260,695
30 Jabalpur Madhya Pradesh 1,228,866
31 Allahabad Uttar Pradesh 1,216,837
32 Jamshedpur Jharkand 1,211,932
33 Dhanbad Jharkand 1,170,742
34 Amritsar Punjab 1,158,601
35 Rajkot Gujarat 1,154,432
36 Vijayawada Andhra Pradesh 1,112,219
37 Mysore Karnataka 1,103,552
38 Srinagar Jammu and Kashmir 1,068,446
39 Solapur Maharashtra 1,064,935
40 Bhilai Chhattisgarh 1,061,535
41 Ranchi Jharkhand 1,014,718
42 Thiruvananthapuram (Trivandrum) Kerala 1,008,862
43 Guwahati Assam 989,240
44 Chandigarh Chandigarh 971,947
45 Kozhikode (Calicut) Kerala 968,143
46 Gwalior Madhya Pradesh 958,764
47 Salem Tamil Nadu 956,329
48 Tiruchirapalli Tamil Nadu 931,803
49 Jalandhar Punjab 911,781
50 Bareilly Uttar Pradesh 875,165

[baguhin] Kaugnay na artikulo

[baguhin] Kawing panlabas


Mga bansa sa Timog Asya
Bangladesh | Bhutan | India | Maldives | Nepal | Pakistan | Sri Lanka


wymiana linkami wymiana linkami SEO Tools kreatyna Gry Online Plaza 3 star hotel Los Angeles krynica noclegi Kredyty odnawialne