|
|
Hunyo 2005
- Hinatulan ng isang korteng French ang nangungunang dyaryo sa France na Le Monde ng “difamasyong rasyal†laban sa Israel at sa mga Hudiyo.[1] Partikular na ifinokus ng korte ang kaso sa artikulong « Israël-Palestine : Le cancer » (“Israel-Palestina: Ang Kanserâ€). Inakusahan naman samantala ng HonestReporting ang medyang pammasa sa kanilang pagkatahimik tungkol sa hatol.[2]
- Binigyan ng not guilty verdict ng hurado si Michael Jackson sa mga kasong isinampa sa kanya. (CNN) (BBC)
- 92 katao, halos lahat kabataan, ay namatay nang ang isang flash flood ay tumama sa isang paaralan sa Shalan, lalawigan ng Heilongjiang, Tsina. (BBC)
- Natapos na ang botohan sa Italya para sa dalawang araw na referendum tungkol sa mahigpit na batas sa fertility treatment. Pinayuhan ng Simbahang Katoliko ang mga kasapi nito na i-boycott ang botohan, na nangangailang ng 50% turnout upang maging valid. Ang paunang turnout ay naging mababa at tinatayang hindi aabot sa 50% na lebel. (Reuters AlertNet) (Reuters) (BBC) (IHT)
- Sa Pilipinas, ipinahayag ni Ignacio Bunye, ang press secretary ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na handang harapin ng pangulo ang angkop na impeachment charges kung susundin ng oposisyon ang angkop na prosesong legal. Maraming pulitiko ang naghayag ng pagsuporta sa pangulo. (ABS-CBN) (Manila Bulletin)
- Handa na ang pulisya ng Pilipinas na ihabla si dating NBI deputy director Samuel Ong para sa iligal na wiretapping at sedisyon. (Sun Star)
- Umalis na ang huling peacekeeping troops ng Australia sa East Timor. (SBS) (ABC) (Reuters)
- Sa South Korea, nagbabalak si Kim Woo Choong, dating head ng Daewoo Group, na bumalik sa bansa pagkatapos ng limang taong paninirahan sa ibayong-dagat. Hinaharap niya ang sakdal na pandaraya o fraud pagkaraan ng pagbagsak ng Daewoo Group. (Korea Times) (Korea Herald) (Channel News Asia) (BBC)
Pambansa
Pandaigdig
- Nanalo ang San Antonio Spurs contra Detroit Pistons sa NBA. 81-74 ang iskor. (inq7.net)
- Pinipilit ng administrasyong George W. Bush and North Korea na daliang asikasuhin ang petsa para sa pagpapatuloy ng six-party nuclear talks. (ABS-CBN)
- Ang dating Ku Klux Klansman na si Edgar Ray Killen ay hinatulan ng 60 taong pagkabilanggo para sa pagpatay sa 3 civil rights workers noong 1964. Mula sa krimen na ito, lalong umigting ang civil rights movement at naging inspirasyon sa pelikulang "Mississippi Burning." (ABS-CBN)
Pambansa
- Hindi pumunta si Atty. Samuel Ong, sa preliminary investigation ng Kagawaran ng Hustisya sa kasong inciting to sedition laban sa kanya. Nakilala si Samuel Ong sa pagsiwalat na sa kanya nagmula ang
isang tape na naglalaman kuno ng pag-uusap nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Virgilio "Garci" Garcellano. (inq7.net)
- Bubuo ng isang "truth commission" ang mga civil society groups na tumulong na mapaupo si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo noong 2001. Ito ang magsisiyasat samga wiretapped tapes na nag-uugnay kay Pangulong Arroyo sa pandaraya noong halalang 2004. (inq7.net)
Pandaigdig
Pambansa
Pandaigdig
- Namatay ang bilyonaryong tagapagmana ng Wal-Mart nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano. Si John Walton ang pang-11 sa listahan ng Forbes ng pinakamayaman na tao sa mundo. (inq7.net)
Tala ng mga Pangyayari ayon sa Buwan
2008: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo
2007: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2006: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2005: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
|