Mga kagamitanSa ibang wika
|
Babae (kasarian)
Mga bahagi (sa harapan) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. buhok, 2. kilay, 3. mata, 4. ilong, 5. tainga, 6. bibig, 7. baba, 8. leeg, 9. balikat, 10. lugar ng dayapram, 11. dibdib, 12. suso, 13. utong, 14. braso, 15. balakang, 16. tiyan, 17. siko, 18. puson, 19. singit, 20. bulbol, 21. kasukasuan, 22. puke, 23. kamay, 24. hita, 25. mga daliri, 26. tuhod, 27. lulod, 28. bukung-bukong, at 29. paa at mga daliri
Mga bahagi (sa likuran) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. ulo, 2. buhok, 3. leeg, 4. balikat, 5. likod, 6. kili-kili , 7. braso, 8. gulugod, 9. balakang, 10. siko, 11. pigi, 12. puwit, 13. kamay, 14. mga daliri, 15. hita, 16. alak-alakan, 17. binti, 18. bukung-bukong, 19. paa, at 20. mga daliri at talampakan.
Ang babae[1] ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao (Ingles: woman o lady [isahan] at women o ladies [kung maramihan]) at mga hayop (Ingles: female). Kabaligtaran ito ng salitang lalaki. Tinatawag na kababaihan (Ingles: womanhood o womankind)[1] ang grupo ng mga babae. Karaniwang tumutukoy ang salitang babae sa mga ginang o gining[2] [may asawa] at binibini o dalaga [wala pang asawa] na nasa hustong gulang na. Batang babae (Ingles: girl o lass)[1] naman ang tawag sa isang babaeng tao na wala pa sa hustong gulang, at dalagita o dalaginding ang isang batang babaeng nagdadalaga. Kabilang sa ibang katawagan sa babae ang mga salitang balbal na bebot at egat. Tinatawag namang ali o ale ang babae kung may paggalang sa isang hindi nakikilalang babae, bagaman ginagamit ang aling sa pagtawag na may paggalang sa isang kilala nang tao sapagkat katumbas ito ng mis (Miss sa Ingles) at misis (Mrs.).[3] Dalaga naman ang tawag sa isang babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.[4] [baguhin] Talasanggunian
[baguhin] Silipin din |