Mga kagamitanSa ibang wika
|
AklatAng aklat o tinatawag ding libro ay mga pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa papel. Naglalaman din ang ibang mga aklat ng mga larawan. Kadalasang maraming mga pahina ang mga ito. [baguhin] Mga uri[baguhin] Ayon sa nilalamanNahahati sa dalawang uri ang mga aklat: mga kathang isip at hindi kathang isip. Ang mga kathang isip ay ang mga kwentong hindi totoo. Ang mga aklat naman na base sa totoong kaganapan, ngunit mayroong mga karakter o dyalogo, ay tinatawag din minsan na kathang isip. Ang hindi kathang isip ay base sa mga katotohanan, tulad ng kasaysayan, aklat ng agham, mga talambuhay, o yung mga araling-aklat (textbook). [baguhin] Ayon sa pabalatMay mga aklat na may malambot na pabalat na yari lamang sa karton o kardbord, na tinatawag ding mga "aklat na naibubulsa (sa sisidlan ng bag)" - ang mga pocketbook o paperback - dahil sa laki nito. At mayroon ding mga aklat na may matigas na pabalat (hardbound).
|